PAGHAHANDA SA PAGBABALIK NG PANGINOONG HESUCRISTO
Ang mga talata ng Biblia na ginamit sa araling ito ay hango sa Mabuting Balita Biblia—Tagalog Popular Version maliban na kung babanggitin)
BALIKAN NATIN ANG IKA-3 BAHAGI NG TALINGHAGA NG KASALAN …
Mat 22:11 "Pumasok ang hari upang tingnan ang mga panauhin. Nakita niya ang isang taong hindi nakadamit pangkasalan.
Mat 22:12 Tinanong niya ito, 'Kaibigan, bakit ka pumasok dito nang hindi nakasuot ng damit pangkasalan?' Hindi nakasagot ang tao,
Mat 22:13 kaya't sinabi ng hari sa mga lingkod, 'Talian ninyo ang kanyang kamay at paa, at itapon siya sa kadiliman sa labas. Doo'y mananangis siya at magngangalit ang kanyang mga ngipin.'"
Mat 22:14 Pagkatapos nito'y sinabi ni Jesus, "Marami ang tinatawag, ngunit kakaunti ang pinili."
PAGPAPANGGAP/PAGPAPAIMBABAW — Mahalagang makita natin na sa bahagi ito ng talinghaga ni Cristo na…
Mayroong nakapasok sa kasalan na hindi nakadamit kasalan. Nakarinig ng panawagan/paanyaya sa kasalan at tumugon din naman sa panawagan subalit nagtungo sa kasalan ng hindi nakasuot ng angkop na pananamit. Ito’y insulto at kawalan ng paggalang sa nag-anyaya.
Tulad sa panahong Cristiano na ang mga congregasyon o iglesia ay nahahaluan ng ibang mga tao na hindi naman talaga nanampalataya ngunit kilala sila bilang mga mananampalataya. Gaya ng sinasabi sa sulat ni Pablo…
1Co 5:9 Sinabi ko sa aking sulat na huwag na kayong makisalamuha pa sa mga nakikiapid.
1Co 5:10 Hindi ang mga makamundong nakikiapid, sakim, magnanakaw, o sumasamba sa diyus-diyosan ang tinutukoy ko, sapagkat para sila'y maiwasan kinakailangan ninyong umalis sa mundong ito.
1Co 5:11 Ang tinutukoy ko na huwag ninyong papakisamahan ay ang nagsasabing sila'y Cristiano ngunit nakikiapid, sakim, sumasamba sa diyus-diyosan, nanlalait, naglalasing, at nagnanakaw. Ni huwag kayong makikisalo sa ganyang uri ng tao.
1Co 5:12 Kung sabagay, wala akong karapatang humatol sa mga hindi Cristiano; ang Diyos ang hahatol sa kanila. Hindi ba't ang mga nasa loob ng iglesya ang dapat ninyong hatulan? Sabi nga sa kasulatan, "Itiwalag ninyo ang samahan ang masamang tao."
MAYROON MGA NAGSIPASOK UPANG MANIKTIK — MGA NAGPANGGAP NA MGA KAPATID
Gal 2:4 kahit may ilang nagkukunwaring mananampalataya na nagtangka ng gayon. Nakihalubilo sila sa amin upang manmanan ang kalayaang taglay natin kay Cristo Jesus, upang kami'y muli nilang maalipin.
Gal 2:5 Hindi kami nagpailalim sa kanilang kagustuhan kahit isang saglit, upang maingatan namin para sa inyo ang tunay na kahulugan ng Magandang Balita. (RTPV)
HINDI NAKADAMIT PANGKASALAN (BALIK SA TALINGHAGA NG KASALAN)
Mat 22:12 ‘Kaibigan, bakit ka pumasok dito nang hindi nakadamit pangkasalan?’ tanong niya. Hindi nakaimik ang tao.
PAGSISIYASAT NG KASAYSAYAN AT KULTURA
Sa bahaging ito ng talinghaga ay mukhang hindi yata naging makatarungan ang hari nang parusahan niya ang hindi nakadamit pangkasalan. Dapat nating makita ang kultura nuong mga panahon na inilahad ni Cristo ang talinghagang ito upang higit nating maunawaan ang konteksto ng talinghaga.
Nuong mga panahon na iyon, na kung saan at kailan inilahad ni Cristo ang talinghagang ito, tradisyonal na ang mga hari nuon, kapag sila ay nagsasagawa ng malalaking piging, lalo na ng piging ng kasalan na nuon ay itinuturing na isa sa mga mahalagang piging na isinasagawa ng mga hari at ng mga maharlikang tao, ang nag-imbinta ay nagbibigay ng mga damit-kasalan o mga mararanyang mga damit upang isuot ng mga panauhin. Madalas itong nakalagay sa mga daraanan ng mga panauhin upang kung ang ilang mga panauhin na walang damit na marangya ay makapamili ng kanilang maisusuot sa kanilang pagpasok sa isang marangyang piging. Ang pagpunta sa isang marangyang piging, lalo ng sa hari, na hindi nakasuot ng angkop na pananamit ay isang pagpapahiwatig ng paglapastangan at kawalan ng paggalang sa naghanda ng piging.
1.1 - SA MALALIMANG PAGSUSURI ANG “DAMIT” AY SUMASAGISAG SA IPINAMUMUHAY NG MGA TAO:
Zep 1:8 At sa araw ng paghahandog sa PANGINOON — "Aking parurusahan ang mga pinuno, at ang mga anak ng hari, at ang lahat na nagsusuot ng damit ng dayuhan.
-Ang Bagong Ang Biblia
Kaya nga sa pagsasalin ng Magandang Balita Biblia (Tagalog Popular Version) ay ginamit na ang salitang “UGALI” kapalit ng salitang “damit”…
Zep 1: At sa araw na yaon, sasabihin ni Yahweh:
“Parurusahan ko ang mga pinuno at ang mga anak ng hari, lahat ng tumutulad sa ugali ng mga dayuhan. (TPV)
- HINDI NA TAYO MGA “DAYUHAN”
Sa panahong Cristiano ang mga mananampalataya na dating mga dayuhan ay itinuring na ng Diyos ngayon na hindi na dayuhan at kasama na sa espirituwal na “Bayan ng Diyos” dahil sa pagsampalataya kay Cristo.
Eph 2:19 Samakatuwid, hindi na kayo dayuhan o taga-ibang bansa, kundi kababayan na ng mga hinirang ng Diyos at kabilang sa kanyang sambahayan.
-Revised TPV
(CLICK slide for subtitle)
- DAMIT NG KALIGTASAN, BALABAL NG KATUWIRAN
Bilang mga kasama na sa Bayan ng Diyos ay inaasahan sa atin ngayon na tayo ay mamuhay ng ayon sa evangelio na ating tinanggap. Ito ang espirituwal na damit na dapat nating isuot — “damit ng kaligtasan at balabal ng katuwiran” (“garments of salvation and robe of righteousness”). Gaya nga ng sinasabi sa Isaias…
Isa 61:10 Ako'y magagalak na mabuti sa PANGINOON, ang aking buong pagkatao ay magagalak sa aking Diyos; sapagkat binihisan niya ako ng mga damit ng kaligtasan, kanyang tinakpan ako ng balabal ng katuwiran, gaya ng lalaking ikakasal na ginagayakan ang sarili ng palamuting bulaklak, at gaya ng babaing ikakasal na nagagayakan ng kanyang mga hiyas.
-Ang Bagong Ang Biblia
Ang “damit” na ito ay hindi galing sa atin kundi ito ay ibinigay sa atin ng Diyos. Kaya nga ang pagkakasulat sa talatang ating nabasa ay “binihisan niya ako”. Sino ang nagbihis? Ang Diyos. Sino ang binihisan? Ang tao. Ito ay tutoong ikinagagalak ng mga lingkod ng Dios. Ito ay isa sa pinanggagalingan ng ating mga pagsamba, pagpupuri at pagpapasalamat sa Diyos na tayo ay binihisan ng Diyos ng damit ng kaligtasan at tinakpan Niya tayo ng balabal ng katuwiran.
Ang kaligtasan ay nakamit natin bilang biyaya ng Diyos sa atin na mga sumampalataya sa panawagan ng pangangaral ng Evangelio na ating napakinggan. Sa biyayang ito ay nakamit natin ang Katuwiran (righteousness) na ang ibig sabihin ay “napawalang-sala tayo”. Ang kaligtasang ito ay hindi dahil sa mga nagawa natin na mga kabutihan kundi dumating sa atin sa pamamagitan ng awa at habag ng Diyos. Kaya nga maging ang “damit” na ating pinag-uusapan sa araling ito ay hindi galing sa ating sarili kundi ito ay kaloob ng Diyos.
(CLICK slide for subtitle)
- PINANANAHANAN NI CRISTO SA BUHAY NATIN
Ang lahat ng mga mananampalataya ay “ibinihis si Cristo”.
Gal 3:27 Sapagkat ang lahat na sa inyo na binautismuhan kay Cristo ay ibinihis si Cristo.
-Ang Bagong Ang Biblia
Ano ang ibig sabihin na “ibinihis si Cristo” — Pinananahanan ni Cristo
Gal 3:27 Sapagkat ang lahat ng nabautismuhan kay Cristo ay pinananahanan ni Cristo.
-Tagalog Popular Version
ANG ISA PANG KAHULUGAN NA IBIHIS O ISUOT SI CRISTO AY PAGHARIIN NATIN SIYA SA ATING BUHAY
Hindi lamang nating tinanggap si Cristo bilang tagapagligtas kundi tinanggap din natin Siya bilang Panginoon ng ating buhay. Ibig sabihin ay si Cristo na ang nararapat na maghari sa ating buhay. Si Cristo na ang nasusunod at nangunguna sa ating mga ginagawa sa araw-araw ng ating buhay.
Ang mga salitang “isuot ninyo” o “paghariin ninyo” ay nagpapakita na mayroon tayong aksyon na gagawin. Bagama’t nasabi natin sa mga naunang bahagi ng ating araling ito na ang Diyos ang nagbibigay ng “damit” na isusuot natin, katulad ng sa talinghaga sa kasalan na kung saan ang nagimbita ang nagbibigay ng kasuotan, ay mayroong taong nasumpungan na hindi nakadamit pang kasalan na pinarusahan ng hari. Samakatuwid nasa atin parin ang desisyon kung ito ay ating isusuot o hindi. Ibinigay na ng Diyos ang lahat ng kinakailangan natin upang tayo ay maging karapat-dapat na mga panauhin sa kasalan. Katunayan, sabi nga ni Pedro sa kanyang sulat,
2Pe 1:3 Tinanggap natin sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos ang lahat ng bagay na magtuturo sa atin upang mamuhay ng tapat sa Kanya. Ito'y dahil sa ating pagkakilala kay Jesus, na siya ring tumawag sa atin upang bahaginan tayo ng kanyang karangalan at kabutihan.
2Pe 1:4 Sa paraang ito ay binigyan niya tayo ng mga dakila at napakahalagang pangako upang makaiwas tayo sa nakakasirang pagnanasa sa sanlibutang ito at upang makabahagi tayo sa kanyang lkalikasang bilang Diyos.
HUWAG NG PAGLAANAN ANG LAMAN
Ang salitang “laman” ay tumutukoy sa mga masamang pagnanasa at kasalanan na ipinamumuhay ng mga hindi nakakakilala sa Diyos. Mga kasalanan ng kinalulugmukan ng sanglibutan.
Col 3:5 Kaya't dapat nang mawala sa inyo ang mga pagnanasang makalaman, ang pakikiapid, kahalayan, mahalay na simbuyo ng damdamin, masasamang nasa, at ang kasakiman na isang uri ng pagsamba sa diyus-diyosan.
Col 3:6 Dahil sa mga ito, tatanggap ng parusa ng Diyos ang mga taong ayaw pasakop sa kanya.
Col 3:7 Kayo man ay namuhay din ayon sa mga pitang iyon nang kayo ay pinaghaharian pa ng mga ito.
Col 3:8 Ngunit ngayon, itakwil na ninyo ang lahat ng galit, poot, at sama ng loob. Iwasan na ninyo ang panlalait at malaswang pananalita.
Col 3:9 Huwag kayong magsisinungaling sa isa't isa, yamang hinubad na ninyo ang dati ninyong pagkatao, pati ang mga gawa nito.
Col 3:10 Isinuot ninyo ang bagong pagkatao na patuloy na nababago at nagiging kalarawan ng Diyos na lumikha sa inyo, upang lalo ninyo siyang makilala.
ITUTULOY . . .
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento