TAGASUNOD BILANG ALAGAD NI CRISTO VIDEO

                                     TAGASUNOD BILANG ALAGAD NI CRISTO

Mula sa makabagong paghahayag, na natatanging katangian ng ipinanumbalik na ebanghelyo, alam natin na ang utos na hangaring maging perpekto ay bahagi ng plano ng Diyos Ama para sa kaligtasan ng Kanyang mga anak. Sa ilalim ng planong iyon lahat tayo ay mga tagapagmana ng ating mga magulang sa langit. “Tayo’y mga anak ng Dios,” pagtuturo ni Apostol Pablo, “at kung mga anak, ay mga tagapagmana nga; mga tagapagmana sa Dios, at mga kasamang tagapagmana ni Cristo”
 (Mga Taga Roma 8:16–17). Ang ibig sabihin nito, tulad ng sinabi sa atin sa Bagong Tipan, tayo ay “mga tagapagmana … [ng] buhay na walang hanggan”
 (Tito 3:7) at kung lalapit tayo sa Ama, tayo ay “magmamana ng mga bagay na ito” (Apocalipsis 21:7)—lahat ng mayroon Siya—isang konseptong mahirap maunawaan ng ating mortal na isipan. Ngunit kahit paano ay nauunawaan natin na ang pagkakamit ng sukdulang tadhanang ito sa kawalang-hanggan ay posible lamang kung susundin natin ang ating Tagapagligtas na si Jesucristo, na nagturo na “sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko”
 (Juan 14:6). Hinahangad nating sundin Siya at maging higit na katulad Niya, ngayon at magpakailanman. Kaya nga inaawit natin sa huling mga talata ng ating himnong “Magsisunod Kayo sa Akin”:

Sapat na bang malaman lang

Na dito’y dapat S’yang sundan,

Habang tayo’y nabubuhay?

Hindi, hanggang sa langit man. …

L’walhati’y kapangyarihan,

At ligaya’y makakamtan,

Kung tawag N’ya ay susundin,

“Magsisunod kayo sa ‘kin.”7

Pinatototohanan ko ang ating Tagapagligtas na si Jesucristo, na ang mga turo at halimbawa ay hangad nating sundin. Inaanyayahan Niya ang lahat na may mabigat na dalahin na lumapit sa Kanya, kilalanin Siya, sundin Siya, at sa gayon ay makasumpong ng kapahingahan sa ating kaluluwa (tingnan sa Mateo 4:19; 11:28). Pinatototohanan ko na totoo ang Kanyang mensahe at banal ang misyon at awtoridad ng Kanyang ipinanumbalik na Simbahan sa pangalan ni Jesucristo, amen.                                        

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

POWERFUL PRAYER